Saturday, September 24, 2011

"Hunger"

 I am a 2nd year nursing student in a certain school in Quezon, and this is what happened to my day...

 Nagsimula ang araw ko na parang wala lang. Yung bang parang pakiramdam mo na walang ibang mangyayari na para bang "scripted" na naman ang gagawin mo sa araw na ito.

 Pero hindi pala...

 Katulad ng mga nakaraang araw, nagising ako na masaya at excited sa mga mangayayri ngayon kahit na alam ko na marami akong gagawin at sigurado ako na pagod at hagas na naman ako. Ang saya-saya pa nga namin nun sa pagkain ng almusal na para bang kala mo eh hindi kami nagkikita-kita. Ayun masaya pa ako ng mga oras na yun na akala mo eh wala ng bukas sa kakatawa.

 Gaya ng ginawa last, last, last week, naglinis na ulit ako ng banyo dahil ako na naman ang assign. Syempre wala akong choice at baka mapagalitan pa ako ni mother. Pero actually ayos lang naman sa akin yun eh. Pagkatapos ko maglinis naki-nood na ako sa kanila ng "Forever and a Day" grabe talaga!!! Iyak ako ng iyak. Ang dami ko kasi nai-imagine habang pinapanood ko yun. Nasabi ko pa nga kina tita na "Pag ako namatay ayoko nung maghihirap ako. Kung mamamatay ako, gusto ko mamamatay na agad ayoko nung kelangan ko pang mapa-chemotherapy o kaya ay magpa-dialysis. Ayun nagbibiruan pa nga kami habang nanunuod eh.

 After eating lunch syempre pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko kanina (naglilinis ng kuko). Then tinawag kami ni mama na maglalabas na daw kami nung paninda namin (nagtitinda sila ng mga street foods). And then na-shock ako kasi bigla na lang nagalit si mama sa amin and I don't know kung bakit. Syempre napaisip na naman ako. At tama nga yung naisip ko na sa akin pinaka-galit si mama. Pero affected na rin yung dalawa kong kapatid. Say ni mama "Wala kayong pagkukusa" and she's referring dun sa paglalabas namin ng paninda. Talaga daw na hinintay namin na tawagin kami nina mama para lang tumulong sa paglalabas ng paninda. Actually nagulat tlaga ako dun sa reason ni mama kung bakit siya nagalit sa amin kasi lagi niya naman kami tinatawag kapag maglalabas na kami ng paninda namin. Tapos ang dami niya pang sinabi na kesyo dun daw kami kumukuha ng pang-baon namin ang so on. Syempre alam ko naman yun eh. Di naman niya kelangan ipamukha sa amin na napakalaki ng utang na loob namin sa kanila at sa tindahan nila. I know it naman eh. Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para sa future ako naman ang tumutulong sa kanila at sila ay pwede ng mag-relax. They don't have to rub it in. At ang pinakamasaklap sa lahat pinarusahan pa kami ni mama na hindi niya kami bibigyan ng meryenda. If we want to eat daw, we have to buy our own foods. At damay din yung dalawa kong kapatid. Okay na lang sana kung ako lang ang pinarusahan dahil may pera naman ako kahit kaunti lang, ang kaso pati yung dalawa kong kapatid nadamay. Paano yun hindi kasya sa pantatlong tao yung natitira kong pera dito. Naubos na kasi sa dami ng bayaran sa school at sa baon ko na lang kasi kinukuha yun mga extrang bayaran para hindi na mamoblema sina mama lalo na kung kaya ko namang bayaran.
 I know I sound as if I have bitterness and anger to my mother. Yes, I am feeling the anger in my body right now. But I know in just a moment it will subside and I will just learn from it and I will never repeat again in the future.

 I hope that my sister and brother can take it without a lot of snack for today. But I am worried because my sister has a ulcer and currently on medication so she's not allowed to be hungry for along time.

  This is what currently happening to my day and I hope it will end better than how my day started.

No comments:

Post a Comment